Ang bansa na may dalawang mundo

Wow, unang Filipino post ko ‘to. Eto ba ang nabubunga ng Bear Brang Sterilized with Ginseng?😄

Pero unti-unti kong nalalaman na mas sarap magsalita pala sa sarili mong lenggwahe. Nakakagulat na mas mahirap nga lang. Sentimyento din ito ng mga kaklase kong manunulat: Mas nahihirapan sila sa Filipino. Bakit nga kaya? 

Pero bago ko pag-isipan ang lahat ng ‘yun, may ibabahagi lang akong sentimyento sa lakad ko kanina🙂

Kanina, umattend ako ng press con sa CCP Complex, Pasay. Kahit na pasado alas-otso na ng gabi, napagdesisyunan ko pa ding mag-stay kasi ang ganda sa CCP. Ito yung tipo ng lugar na ang sarap i-sketch, i-paint, o gawan ng kanta. Dahil walang kahit isang butil ng talent sa genes ko, nag-stick na lang ako sa pagssentimyento.

Tumambay din kayo sa CCP once in your life. Masaya🙂 photo courtesy of: http://www.dmcinet.com

Pagkalaon, napunta yung pag-sesenti ko sa mga problema ng bansa. Siguro dahil sa epekto ng mahiwagang fountain at makukukulay na ilaw sa Star City, naisip ko na, oo nga, itigil ko na kaya ang pagiging kritiko sa gobyerno. Tignan mo, umaandar ang mga sasakyan. Lahat gumagalaw. Lahat may destinasyon. Buhay na buhay ang lungsod at parang mga Christmas lights ang buildings sa dami ng ilaw kahit hindi naman Christmas. Hindi mahirap na mag-isip ka ng krisis kung napaliligiran ka naman ng sintomas ng kaunlaran.

Give our government a chance. Ang hirap din kasi sa atin, masyado tayo mapangmata. Nilalatad pa lang ang plano, ayaw na natin. Pag pinapakita ang recipe, hindi na natin type yung pagkain kahit di pa natin natitikman. Magkamali lang kaunti ang isang tao, akala mo minassacre niya ang buong baryo sa bigat ng galit at akusa natin sa kanya. Lalo na ang mga tao sa gobyerno. Bakit ba ang hilig natin manghatak paibaba? 

Naisip ko din yung mga sinasabi ng kaibigan ko na imbes magreklamo, do your part na lang as a citizen of this country. Wala din namang magagawa yung pagrereklamo mo.  Hindi mo alam, kakareklamo mo, tinubuan ka na ng berdeng balahibo at magyeyellow yung mga mata mo. Ikaw na si Grinch. 

Masarap mag-isip ng ganyan kapag nasa Makati ka at naglalakad along Ayala Avenue, pag nagtatake ka ng hybrid bus papuntang Bonifacio Global City, pag nadadaanan mo yung Eastwood at Ortigas papuntang EDSA, pag nakakarinig ka ng balita na, ”tumaas ang investment grade ng Pilipinas” o kaya naman ”Asia’s Next Rising Tiger: Philippines!”

Umalis ako ng CCP buhat ang pangako sa sarili ko na hindi na ako magpapaka-nega. Naisip ko din na kaya siguro ang dami kong tagihawat sa mukha is because hinahayaan kong ma-stress ang sarili ko sa problema ng bansa. Mula ngayon, magpapaka-‘normal’ na lang ako. Testigo doon ang malaking fountain at yung malaking ferris wheel sa Star City🙂

Pero hindi pa ako nakakaalis ng Pasay, nakakita na ako ng mga taong nag-latag at natutulog sa daan. May isang grupo ng bata na naglalaro sa bangketa at halos lahat sa kanila, walang saplot sa katawan. Meron pang isang bata, mahigit sampung taong gulang, ay nakapwesto sa isang gutter, yung shorts niya nakababa sa paa niya at dedma lang sa kantyaw ng mga kalaro niya habang nagbabawas siya.

Pagkatapos nun, tinawag ako ng isang kuya na merong pedicab. Since walang jeep na dumadaan sa pwesto ko, naisip ko na lang magpedicab. Dagdag tulong pa kay kuya na parang di pa kumakain ng dinner. Trenta pesos daw papuntang Vito Cruz LRT. Tumawad ako ng 25 pesos. Siguro dahil wala nang maisip si kuya kungdi kumita nang gabing iyon, agad naman siyang pumayag.

Along the way, may pinick-up siyang bata na umiiyak sa gilid ng street. Anak niya pala yun. Nag-away pala ata ang mag-ama earlier nung gabing iyon. Yung tatay naman, pinapatahan na ang anak at sorry nang sorry. As in kada padyak niya sa pedal, may sambit na ”sorry na nga e!” habang yung bata umiiyak lang. Nangako si tatay na bibili sila ng ice cream pag-uwi nila sa byahe. Iyon na ata ang pinaka-madramang ride na nasakyan ko, mas malala pa doon sa babaeng nakasabay ko minsan sa Shuttle Van na biglang nag break-down nang pinatugtog ang “Someone Like You” ni Adele sa radio.

Pagdating ng Vito Cruz, trenta ang binigay ko kay kuya. Mag-aabot na sana siya ng sukli nang sinabi ko na keep the change. Pang-dagdag ice cream kay baby. “Wag ka na umiyak” ngumiti pa ako doon sa bata habang si tatay pinapakita yung pera sa anak niya na akala mo binigyan ko ng limandaang piso sa tuwa.

Good spirits pa din ako nun. Kahit papaano. Usually, iisipan ko kaagad ng negative yung mga na-experience ko. Pambihira, wala pang thirty minutes nung nangako ako sa sarili ko tapos babawiin ko kaagad? Ningas Cogon nga ata talaga tayo. Kaya nag-isip na lang ako ng ibang mabubuting bagay at nagpatugtog ng Eraserheads sa smartphone. Good vibes pa din. Good vibes. Goooood viiiibeees…..

Later sa byahe, bumaba ako ng jeep sa may amin. Pagdaan ko sa may gilid ng Tropical Hut, nadatnan ko kaagad si Lola. Si Lola yung lagi kong nakikita na nagbebenta ng sigarilyo at menthol candies maski alas dose ng gabi. Sa malayuan pa lang, makikita mo na yung pagkakuba ng likod niya. Madaming beses na pumasok sa isip ko na kausapin si Lola pero etong reklamador ninyo, na-overcome ng hiya. Ngayon, determinado akong kausapin siya. Kaya lang, nakita ko mahimbing ang tulog ni Lola, nakasandal sa dingding ng Tropical. Gigisingin ko sana pero may babaeng lumapit, siguro kamag-anak. Kakausapin ko na lang si Lola next time pero di ko mapigilang isipin kung bakit kailangan niya pa din magtrabaho sa ganoong edad. May pinag-aaral siguro.

Napatungan ng guilt yung likod ko papuntang tricycle terminal. Iniisip kung magiging okay ba si lola. Kung ano na ang nangyari doon kay tatay pedicab at sa anak niya, at sa mga kung anu-anong bagay.

At doon sa terminal, nadatnan ko ang isang grupo ng mga batang nagkumpol-kumpol sa may sulok ng bangko. Nagpapasahan ng paper bag before singhot. Di ko na kailangan tignan nang mabuti na rugby yun.

Habang naglalakad papunta sa looban ng compound namin, na-realize ko na hindi ko kayang ipagpatuloy ang pangako ko. Hindi ko na mababago ang takbo ng isip ko. Hindi ko na mababalik sa dati ang sarili ko. Hanggat may mga taong katulad nila, hindi ko kayang mag-isip nang positibo at may pag-asa. Hanggat yung mga taas lang ang nakakaramdam ng pag-unlad samantalang ang middle-class at ang mahihirap ay mamatay na kakayod dito at sa ibang bansa, patuloy akong magiging aktibista. Hanggat nahahati pa din sa dalawang mundo ang Pilipinas, patuloy akong magiging dakilang senti sa kalbaryo ng lupang tinubuan.

Mararamdaman pa natin ang pag-unlad in the future, hindi man ngayon, sasabihin ng iba. Hintayin ninyo lang. Dagdag pa nila. Ang sa akin, ‘tignan na lang natin’. Inaacknowledge ko din naman ang mga mabubuting ginawa ng gobyerno sa Pilipinas, pero yung siste kasi nila ng pagkilos e para may masabi ang tao na may nagawa sila. Kokonti pa lang ang mga lider na nilalaan ang oras, dedikasyon, commitment, at utak nila sa pagbibigay serbisyo sa mamayanan.

Siguro nga sinumpa na ako maging Grinch habang buhay. Until siguro madama ko at ng mga magiging anak ko ang pagbabago. Hindi ko afford maging normal. Sadyang masokista na talaga ako sa isip at sa salita. Pero syempre iba na sa gawa. Importante pa din na gampanan mo ang papel mo bilang productive na citizen ng bansa. Walang masama sa pag-iisip ng progresibo at positibo, pero sa talakayan ng isyu ng mga bansa, importante din maging aktibo at paminsan-minsam, agresibo🙂

About sentimentalfreak

Consistently inconsistent. Forever searching and wandering. 'Tis only writing that calms down her restless little soul.

Posted on April 4, 2013, in Filipino, My country, reflections and tagged , , , , . Bookmark the permalink. 1 Comment.

  1. Hello there Grinch!🙂 Congratulations sa una mongTagalog post. Hahaha.
    Nakakatuwa naman yung kwento mo tungkol sa pedicab driver. Sana marami syang ice cream na nabili para sa anak nya. Hayy, Pilipinas kong mahal kelan kaya magiging pantay-pantay ang mamamayan mo?

Leave a reply if you must :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Verstehen

Connecting public and private worlds.

Pinay New Yorker

Musings of a Filipina living in the big apple

BE IN LOVE

DO WHAT YOU LOVE; LOVE WHAT YOU DO

uberclassroom

Because you are part of the village that raises children.

JOEPY LIBO-ON

The author is a Filipina who writes wild stories as porn and sacred ones as the Bible. She's been writing random things since she was 5. She is an advertising and marketing practitioner who is pursuing the passion to inspire every person in her life through writing.

ARABY

I am Ann Luna and this is my blog. :)

TED Blog

The TED Blog shares interesting news about TED, TED Talks video, the TED Prize and more.

Cinderella Stories

The Cinderella who loves reading

Don't English Me, I'm not School

TH Cebuana, Feeling Englisera: The Journey of the Native Stranger (now paying attention)

henzinfosite

"A blog of my everyday's life"

Pinoy Penman 3.0

The continuing chronicles of Jose Dalisay Jr., aka Butch Dalisay, a Filipino collector of old fountain pens, disused PowerBooks, '50s Hamiltons, creaky cameras, VW spare parts, poker bad beats, and desktop lint.

Ang Bagong Filipino

Pahayagang Filipino para sa Bagong Filipino

Random Man-Cat Thoughts

Twitter, Instagram and Behance: lloydzapanta

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

FILIPINO eSCRIBBLES

Online jottings of a Filipino out of time

Finding the SILVER LINING in every step of the Journey...... :)

Life is What You Make It. Live Everyday Like Your Last. - David Ongchoco

Metaporista

Kaya ka nga pinangak e..

Morrighan's Muse

Liz's Poetry & Other Writerly Musings

%d bloggers like this: