A Goodbye Letter for my University

I am dedicating this open letter to my beloved University, the Polytechnic University of the Philippines. Words cannot express how deeply saddened I am to leave your gates and attend my ‘march of honor’ at the World Trade Center this May 10. I also dedicate this letter to my fellow PUPians, incoming freshmen and fellow graduating batch. The real honor of this University lies on us students. Love the country, Serve the people🙂

Dear PUP,

Four years. Matagal-tagal din tayong nagkasama ah! At sa haba ng taon na kinupkop mo ko, ‘di pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na yung status ko sa FB ay hindi na ‘attending Polytechnic University of the Philippines’ kungdi ‘Graduated’ na. In a few weeks, alam ko nang kailangan ko nang i-surrender ang PUP ID ko at unti-unting harapin ang katotohanan na hindi ko na masisilayan ang Pureza at Anonas sa araw-araw na ruta ko, hindi na ako makakatikim ng unli-ligaw pag short ako, hindi na ako makaka-kinig ng mga rallies sa pop-eye pag walang prof. Hindi mo na ako estudyante, pero siguradong hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko na naging estudyante ako ng pamantasan mo.

Natatandaan ko pa, noong unang pumunta ako ng PUP. Para hindi magregister sa PUPCET o mag-tour around the campus kung magugustuhan ko ba dito or what. Mga siyam na taong gulang lang ako noon.Yung pinsan ko na dating estudyante mo din ay may theater presentation na aattendan naming mag-anak.  Tandang-tanda ko yun kasi first time kong nakita ang mga squatters sa Teresa, yung maalikabok at mainit na kalsada papuntang Main Campus; yung mabaho at bukas na estero na malapit sa riles ng PNR. Lumaki ako sa tahimik na lungsod ng Marikina, malayo sa ganitong mga tanawin. Doon pa lang, nabuksan na ang mga mata ko sa reyalidad ng buhay at yung maayos na buhay na natatamasa ko ay pinagkait sa karamihan.

Pero sa pag-tawid namin ng gate mo, sa pagtawid namin ng tatlong puting istruktura na parang malalaking pirasong French Fries, nagulat ako sa sobrang tahimik at kalma ng buong lugar. Parang na-transport ako bigla sa ibang mundo, or sa ibang lungsod. Kahit gate lang ang pumapagitna, malayong-malayo ka doon sa magulo at mahirap na mundong nasa labas. Later sa pag-pasok ko sa pamantasan mo bilang estudyante na marerealize ko kung ang isang simbolismo ng katayuan mo, isang pamantasang nakatirik sa gilid ng Pasig River at napapalibutan ng mga barong-barong. Pagpasok ng mga estudyanteng katulad ko na naka-tsinelas at naka-shorts lang sa gate mo, nagbabago ang kapalaran namin at lumalabas kaming handa at armado sa mala-Hunger Games na buhay-propesyunal. Hindi umabot sa punto na kailangan pang umiyak ang parents namin ng dugo para makahanap ng libo-libong pang-tuition para maigapang kami sa pag-aaral. For this, PUP, maraming-maraming salamat.

Aminin ko, hindi ikaw ang dream school ko. At nag-take ako ng PUPCET dahil sa anyaya ng isang barkada. UST talaga ang dream school ko nun. Ang layo no? From UST to PUP. Ang taas pa ng tingin ko sa sarili ko na makakapag-aral ako sa UST, lalo na noong nakapasa ako ng USTET. Yan ay bago ko nakita ang limang-digit na tuition ng USTe. Nang nalaman ng nanay kong nakapasa ako ng PUPCET, hindi na kami tumuloy sa Espanya. Hindi kakayanin, sabi ng nanay ko. Mas mataas ng sampung libong piso ang tuition for one sem sa buwanang sweldo ng tatay ko. Sa sobrang sama ng loob ko, naisipan kong mag-rebelde at magpaka-aktibista para maasar ang parents ko. Pero sa huli, wala na ding akong nagawa. Magiging estudyante ako ng PUP at makakatikim ng buhay State U. Hindi ko pa alam ‘nun na ito pala ang isa sa mga magiging makabuluhang moments ng buhay ko: ang makapasok sa pamantasan mo.

Ang makulay na mundo ng Teresa

Ang makulay na mundo ng Teresa

Sa apat na taong nilagi ko sa pamantasan  mo, ang daming nagbago sa mga pananaw ko. Hindi ko masasabing yung ako na unang pumasok sa gate mo bilang freshman ay ganun na ganun din paglabas. Kaya mong i-challenge lahat ng paniniwala namin, mga dating pananaw sa buhay, mga pangarap namin at pangarap ng nakararami. Hinamon mo kami na umalis sa lugar kung saan nararamdaman namin na kami ay safe at gawin ang mga bagay na hindi namin magagawa sa ibang buhay. Hinamon mo kaming baguhin ang aming sarili, ang maging alisto at kritikal, maging madsikarte sa abot ng aming makakaya pagkat ang buhay ay hindi nagbibigay ng awa.

Dito sa pamantasan mo, lahat ay pantay-pantay. Walang mahirap o mayaman, walang matalino o tamad mag-aral. In the end, tinuruan mo kami ng isang bagay: Nasa sa’yo kung magtatagumpay ka.

Ang sabi nila, UP daw is a microcosm of the Philippine society. Oo naman, since lahat ng tao from all walks of life ay nandoon; a molten pot of culture and mixed backgrounds, mahirap, mayaman, intelektwal, iskolar. Hindi makakaila na ito ang dakilang Pamantasan ng Bayan. Ikaw naman, PUP, ang dakilang Pamantasang pang-Masa. Halos lahat na ng klaseng tao, inangkin mo: mga laking-syudad at galing pa sa probinsya, mga GC at wala lang, mga kampante, mga sinikal sa buhay nila, mga tambay, sugarol, mahilig sa inuman, mga Aktibista, mga walang pakelam sa usaping-bayan, liberated, wild, conservative at di makabasag pinggan, mga mahilig sa teleserye at may crush kay Angel Locsin at Coco Martin, mga mahilig sa Facebook, mga DOTA at LOL players, k-pop fans, anime addicts, mga madiskarte sa pera, mga mahilig mag-jam, mahilig sa eat-all-you-can, unlimited lugaw at libreng dyaryo sa tren.

Sa una, mahirap mag-adjust sa ganitong dami ng tao, iba-iba ang ugali, iba-iba ang antas ng IQ at EQ, iba-iba ang pananaw, malalim man o mababaw, iba-iba ang gusto pag-usapan, iba-iba ang hangarin sa buhay. Pero sa ganitong set-up,  nalasap ko ang iba’t-ibang uri ng karanasan, iba’t-ibang uri ng kwento, at iba’t-ibang uri ng pakikipagsapalaran na sumasalamin sa kalagayan ng kasalukuyang masa. At higit sa lahat, pinakita mo sa akin kung ano ang potensyal ng masa pag sila ay nakapag-aral at nagsama-sama. Na may kakayanan silang mabago hindi lang ang buhay ng kanilang pamilya kungdi ang mukha ng buong bansa.

Bukod pa dyan, pinalaki mo ko na madiskarte at matiyaga. Na laging magpakumbaba at masipag. Tinuruan mo ko ng halaga kung paano magsimula sa pinaka-ilalim para makamit ang hinahangad ko sa taas. Dito sa pamantasan mo, lahat ay pantay-pantay. Walang mahirap o mayaman, walang matalino o tamad mag-aral. In the end, tinuruan mo kami ng isang bagay: Nasa sa’yo kung magtatagumpay ka.

Malayo pa ang lalakbayin ko at aminado ako na wala akong ideya kung ano ang mangyayari sa akin ten years from now, pero alam ko kung saan ako magsisimula. Sa mga lilipas na taon, nais kong bumalik sa pamantasan mo para makapagturo sa mga kapwa kong estudyante ng masa, na magsilbi ding gabay sa pagbago ng kanilang buhay para lumabas sila ng pamantasan na handang makipagsabayan sa iba sa kabila ng kanilang estado sa lipunan.

Tinuruan mo kami na isipin ang interes ng karamihan sa aming mga kababayan dahil namulat kami sa kahirapan at kawalan ng mga pasilidad at gamit

Tinuruan mo kami na isipin ang interes ng karamihan sa ating mga kababayan dahil kami din ay pinagkaitan at nakaranas ng kahirapan

Ngunit sa tingin ko, malayo-layo pa bago mangyari yun. Andyan pa din ang hangarin kong buhayin muna ang aking pamilya. Pero sa pag-aaral namin sa’yo, hinamon mo kami kung hanggang andyan na lang ba kami. Tinuruan mo kami na isipin ang interes ng karamihan sa aming mga kababayan dahil namulat din kami sa kahirapan at kawalan ng mga pasilidad at gamit. Kami lang ang makakabago ng buhay namin, nang hindi lagi umasa sa gobyerno o kahit ano pang uri ng institusyon, pero ituloy ang pakikipaglaban sa karapatan ng mga hindi pinalad sa aming mga kababayan at bigyan sila ng boses sa lipunan . Iyan ang kapangyarihan namin na nasa masa, na siyang hinubog mo para maging progresibo at may katuturan. For this, PUP, maraming-maraming salamat.

Mamimiss ko ang ganitong eksena :)

Mamimiss ko ang ganitong eksena sa pagpasok🙂

Mamimiss ko ang buhay-campus sa pamantasan mo. Yung PNR na bumubulahaw bawat trenta minuto. Yung mga mababait na pedicab at tricycle drivers na minsan e nakikipagkwentuhan sa aming mga estudyante. Yung mga propesor na liberal at malalim mag-isip, at yung mga tamad na prof na once a month lang pumapasok. Yung sobrang habang pilahan na akala mo may audition sa isang network o may nagbibigay ng libreng bigas. Yung mala-oven mong mga classrooms at pagccross-over sa kabilang room para makahiram ng lamesa or upuan. Yung mga nagroroom-to-room na aktibista at nagyayaya ng walk-out. Yung walang silbi mong Intramuros na nakapaligid sa lagoon at nagpasikip lang sa daan. Yung umiikot na Pasig river sa likod mo na nakakahilo sa sobrang ‘bango’. Yung Charlie na pugad ng mga orgs at pwede ring tulugan. Sila Ted Pylon, Obelisk, Sampaguita, SIS at iba pang mga terms na PUPians lang ang makaka-gets. Yung dose-per-unit at yung wala pang isang libong pisong tuition mo para sa isang sem.

Marami akong natutunan sa’yo, at alam kong marami ka pang matuturuan at matutulungan na mga estudyanteng katulad ko.

Continue to be great at 108 and beyond!

Hanggang sa muli nating pagkikita, Sintang Paaralan! :’)

Sincerely,

Your proud Alumnus (Batch 2013)

Ang simbolismo ng katayuan mo bilang Pamantasan ng Masa

Photos courtesy of PUP Stolen Shots: https://www.facebook.com/pupstolenshots

About sentimentalfreak

Consistently inconsistent. Forever searching and wandering. 'Tis only writing that calms down her restless little soul.

Posted on May 1, 2013, in Filipino, reflections and tagged , , , , , . Bookmark the permalink. 5 Comments.

  1. Hi ate! Congrats po🙂 We have the same sentiment. UST or UP din ang dream school ko at accident lang din po pag take ng entrance exam sa PUP. Pero siguro everything happens for a reason🙂 Saan po kayo magtatrabaho or mag-aaral po ulit kayo? Congrats ulit ate. God bless you!

  2. Hello! Pasensya na ngayon lang ako nakapag-reply😄 Medyo busy sa work. Nag-iipon ako ngayon for my masters (still not sure if I’ll purse law or go to a film school) Yes, everything happens for a reason. Kahit minsan nakakafrustrate na it didn’t turn out the way you wanted it to be, marerealize mo din in the end everything will fall into place naman🙂 If you’re still dreaming of entering UP or UST, pwede ka naman mag-masters dun sa mga schools na ‘yun. Honestly, nakakamiss talaga mag-aral. You shouldn’t take it for granted :))

  3. yan din po plano ko ate. mag-masters sa UP or UST. Ano pong work niyo ate?🙂 God bless. Hope to see you in person po. haha

  4. Dito ako nagwowork sa PhilStar🙂 Actually, maganda mag-work dito. And I really learn a lot from people here, from doon sa expertise sa trabaho pati na din kung paano protektahan yung integrity mo as part of the media. God bless din🙂 I’m sure magkikita din tayo in person. In the meantime, enjoyin mo muna ang college life because there’s nothing like it pag nasa real world ka na😄

  5. Thank you ate. Yes, magkikita din po tayo. I’m excited. haha. God bless sa trabaho niyo po. I speak for your promotion! =)

Leave a reply if you must :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Verstehen

Connecting public and private worlds.

Pinay New Yorker

Musings of a Filipina living in the big apple

BE IN LOVE

DO WHAT YOU LOVE; LOVE WHAT YOU DO

uberclassroom

Because you are part of the village that raises children.

JOEPY LIBO-ON

The author is a Filipina who writes wild stories as porn and sacred ones as the Bible. She's been writing random things since she was 5. She is an advertising and marketing practitioner who is pursuing the passion to inspire every person in her life through writing.

ARABY

I am Ann Luna and this is my blog. :)

TED Blog

The TED Blog shares interesting news about TED, TED Talks video, the TED Prize and more.

Cinderella Stories

The Cinderella who loves reading

Don't English Me, I'm not School

TH Cebuana, Feeling Englisera: The Journey of the Native Stranger (now paying attention)

henzinfosite

"A blog of my everyday's life"

Pinoy Penman 3.0

The continuing chronicles of Jose Dalisay Jr., aka Butch Dalisay, a Filipino collector of old fountain pens, disused PowerBooks, '50s Hamiltons, creaky cameras, VW spare parts, poker bad beats, and desktop lint.

Ang Bagong Filipino

Pahayagang Filipino para sa Bagong Filipino

Random Man-Cat Thoughts

Twitter, Instagram and Behance: lloydzapanta

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

FILIPINO eSCRIBBLES

Online jottings of a Filipino out of time

Finding the SILVER LINING in every step of the Journey...... :)

Life is What You Make It. Live Everyday Like Your Last. - David Ongchoco

Metaporista

Kaya ka nga pinangak e..

Morrighan's Muse

Liz's Poetry & Other Writerly Musings

%d bloggers like this: