Pag-ibig at Pagboto: Bakit lagi tayong nasasaktan in the end

election_posters

Nagsisimula naman lahat yan sa pangako. “Hindi kita iiwan.” “Hindi ako magnanakaw” Naniwala ka kasi gusto mo maging masaya. Gusto mo guminhawa. Pagkatapos makuha ang lahat sa’yo, iiwan ka na lang.

Andyan din yung cliche na pangako na “Hindi ako katulad ng iba.”

Pero nagtiwala pa din tayo. Umasa. Nasaktan. Di na natuto. Kasi kung natuto man tayo, diba dapat matagal na tayong naka-move on? Literal na move-on. Nasaan na ba tayo ngayon? Hanggang dito na lang ba?

Pag bumoto ka, para ka na ding nagmahal dahil:

  • Magpapapogi sila para lang makuha ang matamis mong “Oo.” Sa una, sila ay mabait. Bubuhusan ka ng pagmamahal. Aalagaan ka. Once na nakuha na nila ang tiwala at pagmamahal mo, ang masasayang alaala mo lang sa kanya kapag naghiwalay ang inyong landas ay ang taong minahal mo noon, hindi ang taong nakikita mo sa SONA sa harap mo ngayon. Ang eleksyon, isang mahabang dulaan ng ligawan. May mga ibang naka-costume at mas madami ang naka-maskara.
  • Bumuboto ka kasi with your feelings. Matuturing bang pagmamahal pag walang emosyon na involved? Syempre hindi! Feelings are everything. Tayong mga Pinoy, mahilig pa naman sa feelings. Kahit hindi pa nga nagtatapat yung tao, mga feelingero at feelingera na tayo. Nilalagyan natin ng feelings lahat, binibigyan natin ng meaning lahat ng bagay. Eto ang sigaw ng dugo at puso natin, bakit natin di papansinin? Boring pag ginamitan mo ng utak. Hanggang sa school at trabaho lang ang pag-iisip. Kung mag-iisip ka palagi, di mo na ma-eenjoy mga bagay-bagay, lalo na mga palabas sa telebisyon. Kaya, I repeat, feelings are everything.
  • Kung nasisiyahan ka sa kanya o sa mga pinaggagawa niya, siya ang pipiliin mo. E masaya ka sa kanya e. So what kung action star siya dati? So what kung di siya nakapagtapos ng pag-aaral? So what kung madami siyang naging anak sa labas? Diba nga sa pagmamahal, past is past. Ang mahalaga ay kung ano siya ngayon. Ang mahalaga ay nawiwili ka sa kanya ngayon, lalo na pag nakikita mo siya sa TV. Kesa naman yung panay ang English pero di mo naman maintindihan ang mga pinagsasabi. Pfffft! Siya na ang magaling.
  • Kapag nakalimutan na tayo, lahat ng bagay isisisi sa kanya. Magagalit tayo. Niloko ba naman tayo e. Self-righteous anger: tayo ang niloko so tayo ang may karapatang magalit. Yun nga lang, di natin naalala sa kabilang banda, tayo ang namili at nagkamali. Of course, lahat naman tayo nagkakamali. Wala nga lang mangyayari kung lagi kang nagkakamali every 6 o 4 years.
  • Dahil crush ng bayan, siya na din ang pipiliin mo. Tandaan: Mahirap sumakay sa bangka na marami ang nakasakay. Mas lalong mahirap pag walang patutunguhan ‘yung bangka. Wag tignan kung ilan ang likes niya sa Facebook o kung ilan ang followers niya. Kung titignan mo lang ang numero, tignan mo kung ilang panukala ang naisabatas niya o kung ilan ang naipagawa niyang mga proyekto na may kwenta at pang-matagalan. Kung ang boto ay pagmamahal, mas mabuti nang itaya mo ito sa taong bumabawi sa gawa, hindi lang puro salita.
  • Kapag nabigo ka, hindi ka natututo. Bakit lagi ka na lang nilang binibigo? Bakit lagi kang dismayado? Sineseryoso mo naman ang pagpili ah. Kumbaga sa context ng pagmamahal, saan ka nagkamali: Sa pagmamahal ng tao o sa konsepto mo ng pagmamahal itself? Ano ba ang ideya mo ng pagpili? For short-term o long-term happiness ba? Kung masaya ka lang sa ganyan, hanggang diyan ka na lang talaga. Pero kung nakukulangan ka pa, walang masama na maghangad ka ng tunay na pagmamahal. Wala ding masama kung maghahangad ka ng tunay na kaginhawaan.

Bakit ba bigo tayo lagi sa dalawa? Mahirap buksan ang mga mata sa mga tunay na nangyayari, pero ang unang hakbang para makamit ang kalayaan ay ang pagtanggap sa mapait na katotohanan na matagal na tayong niloloko. Na hindi binibigay sa atin ang kaligayahan na karapat-dapat sa atin.

Pinag-uusapan pa din ba natin ang pagboto o pagmamahal? Meron bang pagkakaiba?

Ang mahalaga, sana ay matuto na tayong lahat.

Kahit mali nagiging tama, basta ba'y natututo ka (1)

#MayTama

About sentimentalfreak

Consistently inconsistent. Forever searching and wandering. 'Tis only writing that calms down her restless little soul.

Posted on August 9, 2015, in Filipino, My country, reflections and tagged , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a reply if you must :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Verstehen

Connecting public and private worlds.

Pinay New Yorker

Musings of a Filipina living in the big apple

BE IN LOVE

DO WHAT YOU LOVE; LOVE WHAT YOU DO

uberclassroom

Because you are part of the village that raises children.

JOEPY LIBO-ON

The author is a Filipina who writes wild stories as porn and sacred ones as the Bible. She's been writing random things since she was 5. She is an advertising and marketing practitioner who is pursuing the passion to inspire every person in her life through writing.

ARABY

I am Ann Luna and this is my blog. :)

TED Blog

The TED Blog shares interesting news about TED, TED Talks video, the TED Prize and more.

Cinderella Stories

The Cinderella who loves reading

Don't English Me, I'm not School

TH Cebuana, Feeling Englisera: The Journey of the Native Stranger (now paying attention)

henzinfosite

"A blog of my everyday's life"

Pinoy Penman 3.0

The continuing chronicles of Jose Dalisay Jr., aka Butch Dalisay, a Filipino collector of old fountain pens, disused PowerBooks, '50s Hamiltons, creaky cameras, VW spare parts, poker bad beats, and desktop lint.

Ang Bagong Filipino

Pahayagang Filipino para sa Bagong Filipino

Random Man-Cat Thoughts

Twitter, Instagram and Behance: lloydzapanta

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

FILIPINO eSCRIBBLES

Online jottings of a Filipino out of time

Finding the SILVER LINING in every step of the Journey...... :)

Life is What You Make It. Live Everyday Like Your Last. - David Ongchoco

Metaporista

Kaya ka nga pinangak e..

Morrighan's Muse

Liz's Poetry & Other Writerly Musings

%d bloggers like this: